Zacarias 13 - Tagalog Contemporary Bible(ASD)

Ang Paglilinis mula sa Kasalanan

1Sinabi ng Panginoon ng mga Hukbo, “Sa araw na iyon, bubuksan ang bukal para sa mga angkan ni David at ng mga taga-Jerusalem, upang linisin sila sa kanilang mga kasalanan at karumihan.

2“Sa araw na iyon, aalisin ko ang mga diyos-diyosan sa lupain ng Israel at hindi na sila maaalala. Aalisin ko sa Israel ang mga huwad na propeta at ang maruruming espiritung nasa kanila.

3At kung mayroon pang magpapanggap na propeta, ang mga magulang niya mismo ang magbibigay ng babala na karapat-dapat siyang patayin, dahil nagsasalita siya ng kasinungalingan at sinasabi pa na ang mensahe niya ay mula sa Panginoon. At kung patuloy pa rin siyang magpapanggap na propeta, ang amaʼt ina niya mismo ang sasaksak sa kanya.

4“Ang mga propetang iyon ay mapapahiya sa mga sinasabi nilang pangitain. Hindi na sila magsusuot ng mabalahibong damit na pampropeta upang manlinlang.

5Bawat isaʼy magsasabi, ‘Hindi ako propeta; isa akong magsasaka at mula sa aking pagkabataʼy nagbubungkal na ako ng lupa.’

6At kung may magtatanong, ‘Ano itong mga sugat sa iyong katawan?’ sasagot sila, ‘Nakuha ko ito sa bahay ng aking mga kaibigan.’ ”

Nagkawatak-watak ang mga Tupa

7Sinabi ng Panginoon ng mga Hukbo,

“Ihanda ang espada!

Patayin ang pastol na aking lingkod.

Patayin siya at magkakawatak-watak

ang mga tupa.

At parurusahan ko sila.

8Mamamatay ang dalawa sa tatlong bahagi

ng mga tao sa buong lupain ng Israel.

9At ang ikatlong bahaging matitira

ay lilinisin ko tulad ng pilak

na dinadalisay ng apoy.

Susubukin ko sila

tulad ng gintong sinusubok sa apoy

kung tunay o hindi.

Tatawag sila sa akin

at diringgin ko sila.

Sasabihin ko,

‘Sila ang aking mga mamamayan.’

At sasabihin din nila,

‘Ang Panginoon ang aming Diyos.’ ”

Blog
About Us
Message
Site Map

Who We AreWhat We EelieveWhat We Do

Terms of UsePrivacy Notice

2025 by iamachristian.org,Inc All rights reserved.

Home
Gospel
Question
Blog
Help