Salmo 140 - Tagalog Contemporary Bible(ASD)

Salmo 140Para sa direktor ng mga mang-aawit: Awit na isinulat ni David.

1 Panginoon, iligtas nʼyo ako sa mga taong masama at malupit.

2Nagpaplano sila ng masama

at palaging pinag-aaway ang mga tao.

3Ang kanilang mga dila

ay parang mga makamandag na ahas;

at ang kanilang mga salita

ay parang kamandag ng ahas.

4 Panginoon, ingatan nʼyo ako sa masasama at malulupit

na mga taong nagpaplanong akoʼy ipahamak.

5Ang mga hambog ay naglagay

ng mga bitag para sa akin;

naglagay sila ng lambat sa aking dinadaanan upang ako ay hulihin.

6 Panginoon, kayo ang aking Diyos.

Dinggin nʼyo Panginoon ang pagsamo ko sa inyo.

7O Makapangyarihang Panginoon,

kayo ang aking makapangyarihang Tagapagligtas;

iniingatan nʼyo ako sa panahon ng digmaan.

8 Panginoon, huwag nʼyong ipagkaloob sa masama

ang kanilang mga hinahangad.

Huwag nʼyong payagang silaʼy magtagumpay sa kanilang mga plano,

baka silaʼy magmalaki.

9Mangyari sana ang masasamang plano

ng aking mga kaaway

na nakapaligid sa akin sa sarili nila.

10Mabagsakan sana sila ng mga nagniningas na baga,

at ihulog sana sila sa hukay nang hindi na sila makabangon pa.

11Madali sanang mawala sa lupa

ang mga taong nagpaparatang ng mali

laban sa kanilang kapwa.

Dumating sana ang salot sa mga taong malupit upang lipulin sila.

12 Panginoon, alam kong iniingatan nʼyo ang karapatan ng mga dukha,

at binibigyan nʼyo ng katarungan ang mga nangangailangan.

13Tiyak na pupurihin kayo ng mga matuwid

at sa piling nʼyo silaʼy mananahan.

Blog
About Us
Message
Site Map

Who We AreWhat We EelieveWhat We Do

Terms of UsePrivacy Notice

2025 by iamachristian.org,Inc All rights reserved.

Home
Gospel
Question
Blog
Help