Salmo 130 - Tagalog Contemporary Bible(ASD)

Salmo 130Awit ng mga umaakyat sa Jerusalem upang sumamba sa Panginoon.

1 Panginoon, sa labis kong paghihirap

akoʼy tumatawag sa inyo.

2Dinggin po ninyo ako, Panginoon.

Pakinggan po ninyo ang aking pagsusumamo.

3Kung inililista nʼyo ang aming mga kasalanan,

sino kaya sa amin ang matitira?

4Ngunit pinapatawad nʼyo kami,

pang matuto kaming gumalang sa inyo.

5 Panginoon, akoʼy naghihintay sa inyo,

at umaasa sa inyong mga salita.

6Naghihintay ako sa inyo

nang higit pa sa tagabantay

na naghihintay na dumating ang umaga.

7Mga taga-Israel, magtiwala kayo sa Panginoon,

dahil siyaʼy mapagmahal at laging handang magligtas.

8Siya ang magliligtas sa inyo

sa lahat ng inyong mga kasalanan.

Blog
About Us
Message
Site Map

Who We AreWhat We EelieveWhat We Do

Terms of UsePrivacy Notice

2025 by iamachristian.org,Inc All rights reserved.

Home
Gospel
Question
Blog
Help