Mangangaral 11 - Tagalog Contemporary Bible(ASD)

Ang Gawain ng Taong Marunong

1Ipuhunan mo ang pera mo sa negosyo

at sa kalaunan ay kikita ka.

2Ilagay mo ang pera mo sa ibaʼt ibang negosyo,

dahil hindi mo alam kung anong kalamidad

ang darating dito sa mundo.

3Kapag makapal na ang ulap,

magbubuhos ito ng ulan sa mundo.

At kung saan natumba ang puno,

doon iyon mananatili.

4Kung palagi ka lang maghihintay

ng magandang panahon,

hindi ka makakapagtanim

at wala kang aanihin.

5Kung paanong hindi mo nalalaman

ang direksyon ng hangin

o kung paano lumalaki ang sanggol

sa sinapupunan ng kanyang ina,

hindi mo rin maiintindihan

ang gawa ng Diyos,

ang Manlilikha ng lahat ng bagay.

6Maghasik ka ng binhi

sa umaga hanggang gabi,

dahil hindi mo alam

kung alin sa itinanim mo ang tutubo,

o kung lahat ito ay tutubo.

Alalahanin Mo ang Iyong Manlilikha

7Ang liwanag ay napakatamis,

at nakalulugod sa mata

na makita ang araw.

8Kaya sa buong buhay mo

ay maging masaya ka,

gaano man ito kahaba.

Ngunit, alalahanin mong

darating ang kamatayan

at magtatagal iyon.

Lahat ng mangyayari

ay walang kabuluhan.

9Kayong mga kabataan, magsaya kayo

habang kayoʼy bata pa.

Gawin ninyo ang gusto ninyong gawin,

pero alalahanin ninyong hahatulan kayo ng Diyos

ayon sa inyong mga ginawa.

10Huwag kayong mag-alala o mabalisa man

dahil ang panahon ng kabataan

ay lumilipas lang.

Blog
About Us
Message
Site Map

Who We AreWhat We EelieveWhat We Do

Terms of UsePrivacy Notice

2025 by iamachristian.org,Inc All rights reserved.

Home
Gospel
Question
Blog
Help