Salmo 13 - Tagalog Contemporary Bible(ASD)

Salmo 13Para sa direktor ng mga mang-aawit: Awit na isinulat ni David.

1Hanggang kailan Panginoon?

Habambuhay ba ninyo akong kalilimutan?

Hanggang kailan ninyo ako tatalikuran?

2Hanggang kailan ko dadalhin

itong aking mga pangamba?

Ang kalungkutan sa puso ko, kailan ito mawawala?

Hanggang kailan ba ako matatalo

ng aking mga kaaway?

3 Panginoon kong Diyos,

bigyan nʼyo ako ng pansin;

sagutin nʼyo ang aking dalangin.

Ibalik po ninyo ang ningning

sa aking mga mata,

upang hindi ako mamatay

4at upang hindi masabi ng aking mga kaaway

na natalo nila ako,

sapagkat tiyak na silaʼy magagalak

kung akoʼy mapahamak.

5 Panginoon, naniniwala po ako

na akoʼy inyong mahal.

Nagagalak ang puso ko

dahil sa pagliligtas ninyo.

6 Panginoon, aawitan kita

dahil napakabuti nʼyo sa akin

mula pa noon.

Blog
About Us
Message
Site Map

Who We AreWhat We EelieveWhat We Do

Terms of UsePrivacy Notice

2025 by iamachristian.org,Inc All rights reserved.

Home
Gospel
Question
Blog
Help