Salmo 144 - Tagalog Contemporary Bible(ASD)

Salmo 144Awit na isinulat ni David.

1Purihin ang Panginoon na aking batong kanlungan.

Siya na nagsasanay sa akin sa pakikipaglaban.

2Siya ang aking Diyos na mapagmahal

at matibay na kanlungan.

Sa kanya ako kumakanlong

at humihingi ng kalinga.

Ipinasakop niya sa akin ang mga bansa.

3 Panginoon, ano ba ang tao upang pagmalasakitan nʼyo?

Tao lang naman siya, bakit nʼyo siya iniisip?

4Ang tulad niyaʼy simoy ng hanging dumadaan,

at ang kanyang mga araw ay parang anino na mabilis mawala.

5 Panginoon, buksan nʼyo ang langit at bumaba kayo.

Hipuin nʼyo ang mga bundok upang magsiusok.

6Gamitin nʼyong parang pana ang mga kidlat,

magsitakas at mangalat ang aking mga kaaway.

7Mula sa langit, abutin nʼyo ako

at iligtas sa kapangyarihan ng aking mga kaaway

na mula sa ibang bansa,

na parang malakas na agos ng tubig.

8Silaʼy mga sinungaling,

sumusumpa silang magsasabi ng katotohanan,

ngunit silaʼy nagsisinungaling.

9O Diyos, aawitan kita ng bagong awit na sinasabayan ng alpa.

10Kayo ang nagbigay ng tagumpay sa mga hari

at nagligtas sa inyong lingkod na si David mula sa kamatayan.

11Iligtas nʼyo ako sa kapangyarihan

ng mga dayuhang kaaway,

na hindi nagsasabi ng totoo.

Silaʼy sumusumpang magsasabi ng katotohanan

ngunit silaʼy nagsisinungaling.

12Sana habang bata pa ang aming mga anak na lalaki

ay maging katulad sila ng tanim

na tumutubong matibay,

at sana ang aming mga anak na babae

ay maging tulad ng naggagandahang haligi ng palasyo.

13Sanaʼy mapuno ng lahat ng uri ng ani

ang aming mga bodega.

Dumami sana ng libu-libo

ang aming mga tupa sa pastulan,

14at dumami rin sana ang maikargang produkto ng aming mga baka.

Hindi na sana kami salakayin

at bihagin ng mga kaaway.

Wala na rin sanang iyakan

sa aming mga lansangan

dahil sa kalungkutan.

15Mapalad ang mga taong ganito ang kalagayan.

Mapalad ang mga taong ang Diyos ang kanilang Panginoon.

Blog
About Us
Message
Site Map

Who We AreWhat We EelieveWhat We Do

Terms of UsePrivacy Notice

2025 by iamachristian.org,Inc All rights reserved.

Home
Gospel
Question
Blog
Help