1 Mga Cronica 1 - Tagalog Contemporary Bible(ASD)

Mga Lahi Mula kay Adan Hanggang sa mga Anak ni Noe(Gen. 5:1‑32; 10:1‑32; 11:1‑26)

1Ang mga lahi ni Adan ay sina Set, Enos,

2Kenan, Mahalalel, Jared,

3Enoc, Metusela, Lamec at Noe.

4Ang mga lalaking anak ni Noe ay sina Shem, Ham at Jafet.

Ang Lahi ni Jafet

5Ang mga lalaking anak ni Jafet ay sina Gomer, Magog, Madai, Javan, Tubal, Mesec at Tiras.

6Ang mga lalaking anak ni Gomer ay sina Askenaz, Difat, at Togarma.

7Ang mga lalaking anak ni Javan ay sina Elisha, Tarsis, Kitim at Rodanim.Ang Lahi ni Ham

8Ang mga lalaking anak ni Ham ay sina Cus, Mizraim, Put, at Canaan.

9Ang mga lalaking anak ni Cus ay sina Seba, Havila, Sabta, Raama at Sabteca. Ang mga lalaking anak ni Raama ay sina Sheba at Dedan.

10Si Cus din ang ninuno ni Nimrod na kauna-unahang magiting na mandirigma sa daigdig.

11Si Mizraim ang ninuno ng mga Ludim, Anamim, Lehabim, Naftuhim,

12Patrusim, Casluhim, at mga Caftorim na siyang pinagmulan ng mga Filisteo.

13Si Canaan ang ama ni Sidon, na kanyang panganay at pinagmulan ng mga Sidoneo. Si Canaan din ang ninuno ng mga Heteo,

14Jebuseo, Amoreo, Gergeseo,

15Heveo, Araceo, Sineo

16Arvadeo, Zemareo at Hamateo.

Ang Lahi ni Shem

17Ang mga lalaking anak ni Shem ay sina Elam, Asur, Arfaxad, Lud at Aram.

Ang mga lalaking anak ni Aram ay sina Uz, Hul, Geter at Mesec.

18Si Arfaxad ang ama ni Shela,

at si Shela ang ama ni Heber.

19May dalawang anak na lalaki si Heber. Ang isa ay pinangalanang Peleg, dahil noong panahon niya, ang daigdig ay nahati-hati; ang pangalan naman ng kanyang kapatid ay Joctan.

20Si Joctan ang ama nina Almodad, Selef, Hazarmavet, Jera,

21Hadoram, Uzal, Dicla,

22Ebal, Abimael, Sheba,

23Ofir, Havila at Jobab. Silang lahat ay mga lalaking anak ni Joctan.

24Ito ang lahi na mula kay Shem: Arfaxad, Shela,

25Heber, Peleg, Reu

26Serug, Nahor, Tera,

27at si Abram na siya ring si Abraham.

Ang Lahi ni Abraham(Gen. 25:1‑4, 12‑16)

28Ang mga lalaking anak ni Abraham ay sina Isaac at Ismael.

Ang Lahi ni Abraham kay Hagar

29Ang mga lalaking anak ni Ismael ay sina Nebayot (ang panganay), Kedar, Adbeel, Mibsam,

30Misma, Duma, Massa, Hadad, Tema,

31Jetur, Nafis at Kedema. Sila ang mga lalaking anak ni Ismael.

Ang Lahi ni Abraham kay Ketura

32Ang mga lalaking anak ni Ketura na isa pang asawang alipin ni Abraham ay sina Zimran, Jocsan, Medan, Midian, Isbak at Suah.

Ang mga lalaking anak ni Jocsan ay sina Sheba at Dedan.

33Ang mga lalaking anak ni Midian ay sina Efa, Efer, Hanoc, Abida at Eldaa. Silang lahat ang mga anak ni Ketura.

Ang Lahi ni Abraham kay Sara(Gen. 36:1‑19)

34Si Abraham ang ama ni Isaac. Ang mga anak ni Isaac ay sina Esau at Israel.

35Ang mga lalaking anak ni Esau ay sina Elifaz, Reuel, Jeus, Jalam at Kora.

36Ang mga lalaking anak ni Elifaz ay sina Teman, Omar, Zefi, Gatam, Kenaz at Amalek. Si Amalek ay anak niya kay Timna.

37Ang mga lalaking anak ni Reuel ay sina Nahat, Zera, Shama at Miza.

Ang mga Edomita(Gen. 36:20‑30)

38Ang mga lalaking anak ni Seir ay sina Lotan, Sobal, Zibeon, Ana, Dison, Eser at Disan.

39Ang mga lalaking anak ni Lotan ay sina Hori at Homam. Magkapatid sina Lotan at Timna.

40Ang mga lalaking anak ni Sobal ay sina Alvan, Manahat, Ebal, Sefi at Onam. Ang mga lalaking anak ni Zibeon ay sina Aias at Ana.

41Ang lalaking anak ni Ana ay si Dison. Ang mga lalaking anak ni Dison ay sina Hamram, Esban, Itran at Keran.

42Ang mga lalaking anak ni Eser ay sina Bilhan, Zaavan at Jaacan.

Ang mga lalaking anak ni Disan ay sina Uz at Aran.

Ang mga Hari ng Edom(Gen. 36:31‑43)

43Ito ang mga hari ng Edom, noong panahon na wala pang mga hari ang mga Israelita:

Si Bela na mula sa lungsod ng Dinaba na anak ni Beor ay naging hari sa Edom.

44Pagkamatay ni Bela, pinalitan siya ni Jobab na anak ni Zera na taga-Bosra.

45Pagkamatay ni Jobab, pinalitan siya ni Husam na taga-Teman.

46Pagkamatay ni Husam, pinalitan siya ni Hadad na taga-Avit na anak ni Bedad. Si Hadad ang nakatalo sa mga Midianita roon sa Moab.

47Pagkamatay ni Hadad, pinalitan siya ni Samla na taga-Masreca.

48Pagkamatay ni Samla, pinalitan siya ni Saul na taga-Rehobot na malapit sa Ilog ng Eufrates.

49Pagkamatay ni Saul, pinalitan siya ni Baal-hanan na anak ni Acbor.

50Pagkamatay ni Baal-hanan, pinalitan siya ni Hadad na taga-Pau. Ang asawa niya ay si Mehetabel na anak ni Matred at apo ni Mezahab.

51Hindi nagtagal, namatay si Hadad.

Ang mga pinuno ng Edom ay sina Timna, Alva, Jetet,

52Oholibama, Ela, Pinon,

53Kenaz, Teman, Mibzar,

54Magdiel at Iram. Sila ang mga pinuno ng angkan ng Edom.

Blog
About Us
Message
Site Map

Who We AreWhat We EelieveWhat We Do

Terms of UsePrivacy Notice

2025 by iamachristian.org,Inc All rights reserved.

Home
Gospel
Question
Blog
Help