Salmo 98 - Tagalog Contemporary Bible(ASD)

Salmo 98Isang Awit.

1Umawit ng bagong awit sa Panginoon,

sapagkat kahanga-hanga

ang kanyang mga gawa!

Sa kanyang kapangyarihan at kalakasaʼy

tinalo niya ang ating mga kaaway.

2Ipinakita ng Panginoon

sa mga bansa

ang kanyang pagliligtas

at pagiging makatuwiran.

3Hindi niya kinalimutan

ang kanyang pag-ibig

at katapatan sa Israel.

Nakita ng lahat ng tao

sa buong mundo

ang pagliligtas ng ating Diyos.

4Kayong lahat ng tao sa buong mundo,

sumigaw kayo sa galak sa Panginoon!

Buong galak kayong umawit

ng papuri sa kanya.

5Umawit kayo ng mga papuri sa Panginoon

habang tinutugtog ang mga alpa.

6Patunugin ang mga trumpeta at tambuli;

sumigaw kayo sa galak sa harapan ng Panginoon, na Hari.

7Magalak ang dagat

at ang lahat ng naninirahan dito,

gayundin ang buong mundo at ang lahat ng narito.

8Magpalakpakan ang mga ilog

at sabay-sabay na magsiawit sa tuwa

ang mga kabundukan.

9Magalak sila sa presensya ng Panginoon na hari

dahil darating siya upang hatulan

ang lahat ng tao sa buong mundo.

Hahatulan niya sila nang matuwid

at walang kinikilingan.

Blog
About Us
Message
Site Map

Who We AreWhat We EelieveWhat We Do

Terms of UsePrivacy Notice

2025 by iamachristian.org,Inc All rights reserved.

Home
Gospel
Question
Blog
Help