Salmo 132 - Tagalog Contemporary Bible(ASD)

Salmo 132Awit ng mga umaakyat sa Jerusalem upang sumamba sa Panginoon.

1 Panginoon, huwag nʼyong kalilimutan si David

at ang lahat ng paghihirap na kanyang tiniis.

2Alalahanin nʼyo ang pangako niya sa inyo Panginoon,

kayo na Makapangyarihang Diyos ni Jacob.

Ipinangako niya,

3“Hindi ako uuwi sa aking bahay

ni hihimlay sa aking higaan.

4Hindi ko hahayaang dalawin ako ng antok

ni ipikit ang aking mga mata

5hanggaʼt hindi ako nakakakita ng lugar

na matitirhan ng Panginoon,

ang Makapangyarihang Diyos ni Jacob.”

6Nang kami ay nasa Efrata nabalitaan namin kung nasaan ang Kaban ng Kasunduan,

at natagpuan namin ito sa kapatagan ng Jaar.

7Sinabi namin, “Pumunta tayo sa tahanan ng Panginoon,

at sumamba tayo sa kanya sa harap ng kanyang trono.”

8 Panginoon, pumasok po kayo sa inyong tahanan

kasama ang Kahon ng inyong Kasunduan,

na simbolo ng inyong kapangyarihan.

9Sanaʼy palaging mamuhay ng matuwid

ang inyong mga pari,

at umawit nang may kagalakan

ang inyong mga tapat na mamamayan.

10Alang-alang kay David na inyong lingkod,

huwag ninyong itatakwil ang haring inyong hinirang.

11Nangako kayo noon kay David,

at itoʼy tiyak na inyong tutuparin

at hindi babawiin.

Sinabi ninyo, “Isa sa iyong angkan

ang papalit bilang hari.

12At kung ang iyong angkan ay tutupad

sa aking kasunduan at susunod

sa mga turo sa kanila,

ang kanilang mga anak ay maghahari rin

magpakailanman.”

13Sapagkat pinili ng Panginoon ang Zion

hinangad niya ito na maging tahanan niya.

Sinabi niya,

14“Ito ang aking tirahan magpakailanman;

dito ako maninirahan dahil ito ang nais ko.

15Bibiyayaan ko ang Zion

ng lahat niyang pangangailangan,

mga mamamayan niyang dukha

ay aking bubusugin.

16Ililigtas ko ang kanyang mga pari,

at ang kanyang tapat na mamamayan

ay aawit sa kagalakan.

17“Paghahariin ko sa Zion ang haring

mula sa angkan ni David,

at gagawin ko siyang parang ilawan

na pumapatnubay sa mga tao.

18Hihiyain ko ang kanyang mga kaaway,

ngunit pauunlarin ko ang kaharian niya.”

Blog
About Us
Message
Site Map

Who We AreWhat We EelieveWhat We Do

Terms of UsePrivacy Notice

2025 by iamachristian.org,Inc All rights reserved.

Home
Gospel
Question
Blog
Help