Salmo 47 - Tagalog Contemporary Bible(ASD)

Salmo 47Para sa direktor ng mga mang-aawit: Awit na isinulat ng mga anak ni Kora.

1Kayong mga tao sa bawat bansa,

magpalakpakan kayo!

Sumigaw sa Diyos nang may kagalakan.

2Ang Panginoon, ang Kataas-taasang Diyos at kagalang-galang.

Siya ang dakilang Hari sa buong sanlibutan.

3Ipinasakop niya sa aming

mga Israelita ang lahat ng bansa.

4Pinili niya para sa amin ang lupang

ipinangako bilang aming mana.

Itoʼy ipinagmamalaki ni Jacob

na kanyang minamahal.

5Umupo sa kanyang trono ang Panginoon na ating Diyos,

habang ang mga taoʼy nagsisigawan

at ang mga trumpetaʼy tumutunog.

6Awitan ninyo ang Diyos

ng mga papuring awit.

Awitan ninyo ang ating hari

ng mga papuring awit.

7Dahil ang Diyos ang siyang Hari

sa buong mundo.

Umawit kayo sa kanya ng mga awit

ng pagpupuri.

8Ang Diyos ay nakaupo sa kanyang trono

at naghahari sa mga bansa.

9Nagtitipon ang mga hari ng mga bansa,

kasama ang mga mamamayan

ng Diyos ni Abraham.

Ang mga pinuno sa mundo ay sa Diyos,

at mataas ang paggalang nila sa kanya.

Blog
About Us
Message
Site Map

Who We AreWhat We EelieveWhat We Do

Terms of UsePrivacy Notice

2025 by iamachristian.org,Inc All rights reserved.

Home
Gospel
Question
Blog
Help