Jeremias 45 - Tagalog Contemporary Bible(ASD)

Ang Mensahe para kay Baruc

1Noong ikaapat na taon ng paghahari ni Jehoiakim na anak ni Haring Josias ng Juda, isinulat ni Baruc na anak ni Nerias ang mga sinabi ni Propeta Jeremias sa kanya.

2Sinabi ni Jeremias, “Baruc, ito ang sinabi sa iyo ng Panginoon, ang Diyos ng Israel:

3Sinabi mong nakakaawa ka, dahil dinagdagan ng Panginoon ang paghihirap mo. Pagod ka na sa pagdaing at wala kang kapahingahan!

4Ngunit ito ang sinasabi ng Panginoon na sabihin ko sa iyo, ‘Wawasakin ko ang bansang ito na itinayo ko. Bubunutin ko ang itinanim ko. At gagawin ko ito sa buong lupain.

5Huwag ka nang maghahangad pa ng mga dakilang bagay. Sapagkat pasasapitin ko ang kapahamakan sa lahat ng tao, pero ikaw ay ililigtas ko kahit saan ka pumunta. Ako, ang Panginoon, ang nagsasabi nito.’ ”

Blog
About Us
Message
Site Map

Who We AreWhat We EelieveWhat We Do

Terms of UsePrivacy Notice

2025 by iamachristian.org,Inc All rights reserved.

Home
Gospel
Question
Blog
Help