Salmo 127 - Tagalog Contemporary Bible(ASD)

Salmo 127Awit na isinulat ni Solomon para sa mga umaakyat sa Jerusalem upang sumamba sa Panginoon.

1Kung wala ang tulong ng Panginoon

sa pagtayo ng bahay,

walang kabuluhan ang pagtatayo nito.

Kung wala ang pag-iingat ng Panginoon sa bayan,

walang kabuluhan ang pagbabantay dito.

2Walang kabuluhan ang paggising nang maaga

at pagtulog nang gabing-gabi na sa pagtatrabaho upang may makain,

dahil ang Panginoon ang nagbibigay ng mga pangangailangan ng kanyang mga minamahal,

kahit silaʼy natutulog.

3Ang mga anak ay pagpapala

at gantimpalang mula sa Panginoon.

4Ang anak na isinilang sa panahon ng kabataan ng kanyang ama

ay parang pana sa kamay ng sundalo.

5Mapalad ang taong may maraming anak,

dahil may tutulong sa kanya

kapag humarap siya sa kanyang mga kaaway sa hukuman.

Blog
About Us
Message
Site Map

Who We AreWhat We EelieveWhat We Do

Terms of UsePrivacy Notice

2025 by iamachristian.org,Inc All rights reserved.

Home
Gospel
Question
Blog
Help