2 Mga Cronica 22 - Tagalog Contemporary Bible(ASD)

Ang Paghahari ni Ahazias sa Juda(2~Hari 8:25‑29; 9:21‑28)

1Si Ahazias na bunsong anak ni Jehoram ang iniluklok ng mga mamamayan ng Jerusalem na kanilang hari. Sapagkat ang ibang mga anak ni Jehoram ay pinagpapatay ng mga tulisang Arabo na lumusob sa Juda. Kaya naghari sa Juda si Ahazias na anak ni Haring Jehoram.

2Si Ahazias ay dalawampuʼt dalawang taóng gulang nang siyaʼy maging hari. Naghari siya sa Jerusalem sa loob ng isang taon. Ang kanyang ina ay si Atalia na apo ni Omri.

3Sumunod din si Ahazias sa pamumuhay ng sambahayan ni Ahab, dahil hinikayat siya ng kanyang ina sa paggawa ng kasamaan.

4Masama ang ginawa niya sa paningin ng Panginoon katulad ng ginawa ng sambahayan ni Ahab, dahil pagkatapos mamatay ng kanyang ama, naging tagapayo niya ang mga miyembro ng sambahayan ni Ahab.

5Sinunod niya ang payo nila na kumampi kay Joram na anak ni Haring Ahab ng Israel. Sumama siya kay Joram sa pakikipaglaban kay Haring Hazael ng Aram. Naglaban sila sa Ramot-gilead, at nasugatan si Joram.

6Kaya umuwi siya sa Jezreel upang magpagaling ng sugat na tinamo niya sa Rama dahil sa pakikipaglaban kay Haring Hazael Habang nagpapagaling siya, dinalaw siya ni Haring Ahazias ng Juda sa Jezreel.

Habang nagpapagaling siya, dinalaw siya ni Haring Ahazias ng Juda sa Jezreel.

7Ang pagdalaw ni Ahazias kay Joram ay ginamit ng Diyos upang lipulin si Ahazias. Nang naroon si Ahazias, tinulungan niya si Joram upang makipaglaban kay Jehu na anak ni Nimsi. Si Jehu ang pinili ng Panginoon upang lipulin ang sambahayan ni Ahab.

8Habang nililipol ni Jehu ang sambahayan ni Ahab, nakita niya ang mga opisyal ng Juda at ang mga anak ng mga kamag-anak ni Ahazias na sumáma kay Ahazias. At pinagpapatay niya sila.

9Pagkatapos, hinanap ng mga tauhan ni Jehu si Ahazias, at nakita nila ito na nagtatago sa lungsod ng Samaria. Dinala siya kay Jehu na siyang pumatay dito. Inilibing nila si Ahazias dahil sabi nila, “Apo siya ni Jehoshafat, ang taong dumulog sa Panginoon nang buong puso.” Wala ni isang naiwan sa mga miyembro ng pamilya ni Ahazias ang may kakayahang maghari.

Si Atalia at si Joas(2~Hari 11:1‑16)

10Nang malaman ni Atalia na patay na ang anak niyang si Ahazias, nagpasya siyang patayin ang lahat ng miyembro ng pamilya ng hari ng Juda.

11Ngunit iniligtas ni Jehosheba ang anak ni Ahazias na si Joas nang papatayin na ito at ang iba pang mga anak ng hari. Si Jehosabet ay kapatid ni Ahazias at anak na babae ni Haring Jehoram, at asawa ng paring si Joiada. Itinago niya si Joas at ang kanyang yaya sa isang silid, kaya hindi siya napatay ni Atalia.

12Sa loob ng anim na taon, nakatago sa Templo ng Panginoon si Joas habang si Atalia ang namamahala sa lupain.

Blog
About Us
Message
Site Map

Who We AreWhat We EelieveWhat We Do

Terms of UsePrivacy Notice

2025 by iamachristian.org,Inc All rights reserved.

Home
Gospel
Question
Blog
Help