Salmo 20 - Tagalog Contemporary Bible(ASD)

Salmo 20Para sa direktor ng mga mang-aawit: Awit na isinulat ni David.

1Pakinggan nawa ng Panginoon ang iyong mga daing,

sa oras ng kaguluhan.

At sanaʼy ingatan ka

ng Diyos ni Jacob.

2Sanaʼy tulungan ka niya

mula sa kanyang Templo roon sa Zion.

3Sanaʼy tanggapin niya ang iyong mga handog,

pati na ang mga handog mong sinusunog.

4Sanaʼy ibigay niya ang iyong kahilingan,

at ang iyong mga binabalak ay magtagumpay.

5Sa pagtatagumpay mo kami

ay sisigaw sa kagalakan,

at magdiriwang na nagpupuri sa ating Diyos.

Ipagkaloob nawa ng Panginoon

ang lahat mong kahilingan.

6Ngayoʼy alam kong ang Diyos

ang nagbibigay ng tagumpay

sa haring kanyang hinirang.

Sinasagot niya mula sa banal na langit

ang kanyang dalangin,

at lagi niyang pinagtatagumpay

sa pamamagitan ng kanyang kapangyarihan.

7May mga umaasa sa kanilang mga kabayo

at karwaheng pandigma,

ngunit kami ay umaasa

sa Panginoon naming Diyos.

8Silaʼy manghihina at tuluyang babagsak,

ngunit kami ay magiging matatag at magtatagumpay.

9 Panginoon, pagtagumpayin nʼyo

ang hinirang nʼyong hari.

At sagutin nʼyo kami kapag kami

ay tumawag sa inyo.

Blog
About Us
Message
Site Map

Who We AreWhat We EelieveWhat We Do

Terms of UsePrivacy Notice

2025 by iamachristian.org,Inc All rights reserved.

Home
Gospel
Question
Blog
Help