Salmo 149 - Tagalog Contemporary Bible(ASD)

Salmo 149

1Purihin ang Panginoon!

Umawit kayo ng bagong awit sa Panginoon.

Purihin nʼyo siya sa pagtitipon

ng kanyang tapat na mga mamamayan.

2Magalak ang mga taga-Israel

sa kanilang Manlilikha.

Magalak ang mga taga-Zion

sa kanilang Hari.

3Magpuri sila sa kanya

sa pamamagitan ng pagsasayaw;

at tumugtog sila ng tamburin

at alpa sa pagpupuri sa kanya.

4Dahil ang Panginoon ay nalulugod

sa kanyang mga mamamayan;

pinararangalan niya ang mga mapagpakumbaba

sa pamamagitan ng pagbibigay

sa kanila ng tagumpay.

5Magalak ang mga tapat sa Diyos

dahil sa kanilang tagumpay;

umawit sila sa tuwa

kahit sa kanilang mga higaan.

6Sumigaw sila ng pagpupuri sa Diyos

habang hawak ang matalim na espada,

7upang maghiganti at magparusa

sa mamamayan ng mga bansa,

8upang gapusin ang kanilang mga hari

at ikadena ang kanilang mga pinuno,

9at parusahan sila ayon sa utos ng Diyos.

Itoʼy para sa kapurihan

ng mga tapat na mamamayan ng Diyos.

Purihin ang Panginoon!

Blog
About Us
Message
Site Map

Who We AreWhat We EelieveWhat We Do

Terms of UsePrivacy Notice

2025 by iamachristian.org,Inc All rights reserved.

Home
Gospel
Question
Blog
Help