Salmo 82 - Tagalog Contemporary Bible(ASD)

Salmo 82Awit na isinulat ni Asaf.

1Pinamumunuan ng Diyos ang pagtitipon

ng kanyang mga mamamayan.

Sa gitna ng mga hukom

siya ang humahatol sa kanila.

2Sinabi niya sa kanila,

“Hanggang kailan kayo hahatol

nang hindi tama?

Hanggang kailan ninyo papaboran

ang masasamâ?

3Bigyan ninyo ng katarungan

ang mga dukha at ulila.

Ipagtanggol ninyo ang karapatan

ng mga mahihirap at inaapi.

4Iligtas ninyo ang mahihina

at mga nangangailangan

mula sa kamay ng mga masasama!

5“Wala silang nalalaman!

Hindi sila nakakaintindi!

Wala silang pag-asa,

namumuhay sila sa kadiliman

at niyayanig nila ang pundasyon ng mundo.

6“Sinabi ko, ‘Kayoʼy mga diyos,

mga anak ng Kataas-taasang Diyos.’

7Ngunit gaya ng ibang mga namumuno

ay babagsak kayo,

at gaya ng ibang tao

ay mamamatay din kayo.”

8O Diyos, hatulan nʼyo na

ang lahat ng bansa sa mundo,

sapagkat sila namaʼy sa inyo.

Blog
About Us
Message
Site Map

Who We AreWhat We EelieveWhat We Do

Terms of UsePrivacy Notice

2025 by iamachristian.org,Inc All rights reserved.

Home
Gospel
Question
Blog
Help