1Sa araw na iyon, aawit kayo:
“Panginoon, pinupuri ko kayo.
Kahit na kayoʼy nagalit sa akin,
lumipas na ito,
at ngayon akoʼy inaaliw ninyo.
2Kayo, O Diyos,
ang aking kaligtasan.
Akoʼy magtitiwala at hindi matatakot.
Kayo, Panginoon,
ang sa akiʼy nagbibigay ng lakas
at kayo rin ang aking awitin.
Tunay ngang kayo
ang nagligtas sa akin.”
3Magagalak ka sa kaligtasang
iyong mararanasan,
tulad ng pag-inom mo ng tubig
mula sa mga bukal.
4Pagsapit ng araw na iyon, aawit kayo:
“Purihin ninyo ang Panginoon!
Sambahin ninyo siya!
Sabihin ninyo sa mga bansa
ang kanyang mga ginawa.
Sabihin ninyong siyaʼy karapat-dapat purihin.
5Umawit kayo sa Panginoon
dahil kahanga-hanga
ang kanyang mga ginawa.
Ipahayag ninyo ito sa buong mundo.
6Sumigaw kayo at umawit sa galak,
kayong mga taga-Zion.
Sapagkat makapangyarihan
ang Banal na Diyos ng Israel
na nasa inyong piling.”
Who We AreWhat We EelieveWhat We Do
2025 by iamachristian.org,Inc All rights reserved.
