Salmo 75 - Tagalog Contemporary Bible(ASD)

Salmo 75Para sa direktor ng mga mang-aawit: Awit na isinulat ni Asaf. Inaawit sa tono ng awiting, “Huwag Sirain!”

1O Diyos, nagpapasalamat kami sa inyo.

Nagpapasalamat kami

dahil malapit kayo sa amin.

Ipinapahayag ng mga tao

ang inyong mga kahanga-hangang gawa.

2Sinabi nʼyo O Diyos, “May itinakda akong

panahon ng paghatol

at hahatol ako nang walang kinikilingan.”

3Kapag yumanig ang mundo

at ang mga taoʼy magkagulo sa takot,

ako ang magpapatibay ng pundasyon ng mundo.

4Sinasabi ko sa mga hambog,

“Huwag kayong magyabang”

at sa masasama,

“Huwag ninyong ipagmalaki

ang inyong kakayahan.

5Tigilan nʼyo na ang pagmamalaki

na kayo ay nanalo

at magpakumbaba na kayo.”

6Dahil ang tagumpay ng taoʼy

hindi nagmumula sa kung saan-saan,

7kundi sa Diyos lamang.

Siya ang humahatol;

kung sino ang ibababa

at kung sino ang itataas.

8Dahil ang Panginoon ang humahawak ng kopa

na puno ng bumubulang matapang na alak.

Ibinubuhos niya ito at ipinaiinom sa masasama

hanggang sa huling patak.

9Ngunit ako, walang tigil kong ipahahayag

ang tungkol sa Diyos ni Jacob,

aawit ako ng mga papuri para sa kanya.

10Aalisin niya ang kakayahan ng masasama,

ngunit dadagdagan niya

ang kapangyarihan ng matutuwid.

Blog
About Us
Message
Site Map

Who We AreWhat We EelieveWhat We Do

Terms of UsePrivacy Notice

2025 by iamachristian.org,Inc All rights reserved.

Home
Gospel
Question
Blog
Help