Salmo 58 - Tagalog Contemporary Bible(ASD)

Salmo 58Para sa direktor ng mga mang-aawit: Awit na isinulat ni David na inaawit sa tono ng awiting, “Huwag Sirain”.

1Kayong mga pinuno, matuwid ba

ang paghatol ninyo sa mga tao?

2Hindi! Dahil paggawa ng masama

ang laging iniisip ninyo

at namiminsala kayo sa iba

saanman kayo naroroon.

3Ang masasama ay lumalayo sa Diyos

at mula nang isilang ay nagsisinungaling na.

4Para silang mga ahas na makamandag.

Parang kobrang tinakpan ang tainga,

5hindi nakikinig sa tinig ng mahuhusay

na tagapagpaamo niya.

6O Panginoong Diyos, basagin nʼyo po ang kanilang mga ngipin

na parang pangil ng mga leon!

7Mawala sana silang tulad ng tubig na natutuyo

at gawin mo ring walang silbi

ang kanilang mga palaso.

8Maging tulad sana sila ng kuhol

na parang natutunaw habang gumagapang,

o ng sanggol na patay nang ipinanganak,

na hindi pa nakakita ng liwanag.

9Mabilis silang tatangayin ng Diyos,

maging ang mga nabubuhay pa,

mabilis pa sa pag-init ng palayok na inaapuyan ng malakas.

10Magagalak ang mga matuwid

kapag nakita na nilang pinaghigantihan

ng Diyos ang masasama,

at dumanak na ang kanilang dugo.

11At sasabihin ng mga tao, “Tunay ngang

may gantimpala ang matutuwid

at mayroong Diyos na humahatol sa mundo.”

Blog
About Us
Message
Site Map

Who We AreWhat We EelieveWhat We Do

Terms of UsePrivacy Notice

2025 by iamachristian.org,Inc All rights reserved.

Home
Gospel
Question
Blog
Help