Salmo 136 - Tagalog Contemporary Bible(ASD)

Salmo 136

1Magpasalamat kayo sa Panginoon,

dahil siyaʼy mabuti.

Ang pag-ibig niyaʼy walang hanggan.

2Magpasalamat kayo sa Diyos ng mga diyos.

Ang pag-ibig niyaʼy walang hanggan.

3Magpasalamat kayo sa Panginoon ng mga panginoon.

Ang pag-ibig niyaʼy walang hanggan.

4Siya lang ang gumagawa ng kahanga-hangang mga himala.

Ang pag-ibig niyaʼy walang hanggan.

5Sa pamamagitan ng kanyang karunungan,

ginawa niya ang kalangitan.

Ang pag-ibig niyaʼy walang hanggan.

6Inilatag niya ang lupa sa ibabaw ng tubig.

Ang pag-ibig niyaʼy walang hanggan.

7Ginawa niya ang araw at ang buwan.

Ang pag-ibig niyaʼy walang hanggan.

8Ginawa niya ang araw

upang magbigay-liwanag kung araw.

Ang pag-ibig niyaʼy walang hanggan.

9Ginawa niya ang buwan at mga bituin

upang magbigay-liwanag kung gabi.

Ang pag-ibig niyaʼy walang hanggan.

10Pinatay niya ang mga panganay

na anak ng mga Ehipsiyo.

Ang pag-ibig niyaʼy walang hanggan.

11Inilabas niya ang mga taga-Israel sa Ehipto.

Ang pag-ibig niyaʼy walang hanggan.

12Inilabas niya sila sa pamamagitan

ng kanyang kapangyarihan.

Ang pag-ibig niyaʼy walang hanggan.

13Hinawi niya ang Dagat na Pula.

Ang pag-ibig niyaʼy walang hanggan.

14At pinatawid niya

sa gitna nito ang mga taga-Israel.

Ang pag-ibig niyaʼy walang hanggan.

15Ngunit nilunod niya roon ang Faraon

at ang kanyang mga kawal.

Ang pag-ibig niyaʼy walang hanggan.

16Pinatnubayan niya ang kanyang

mga mamamayan sa ilang.

Ang pag-ibig niyaʼy walang hanggan.

17Nilipol niya ang makapangyarihang mga hari.

Ang pag-ibig niyaʼy walang hanggan.

18Pinatay niya ang mga dakilang hari.

Ang pag-ibig niyaʼy walang hanggan.

19Pinatay niya si Sihon na hari ng Amoreo.

Ang pag-ibig niyaʼy walang hanggan.

20Pinatay din niya si Haring Og ng Bashan.

Ang pag-ibig niyaʼy walang hanggan.

21Ibinigay niya ang kanilang lupain

sa kanyang mga mamamayan bilang pamana.

Ang pag-ibig niyaʼy walang hanggan.

22At ang lupaing itoʼy naging pag-aari

ng mga mamamayan ng Israel na kanyang mga lingkod.

Ang pag-ibig niyaʼy walang hanggan.

23Sa ating abang kalagayan,

hindi niya tayo kinalimutan.

Ang pag-ibig niyaʼy walang hanggan.

24Iniligtas niya tayo sa ating mga kaaway.

Ang pag-ibig niyaʼy walang hanggan.

25Binigyan niya ng pagkain ang lahat niyang nilalang.

Ang pag-ibig niyaʼy walang hanggan.

26Magpasalamat tayo sa Diyos na nasa langit.

Ang pag-ibig niyaʼy walang hanggan.

Blog
About Us
Message
Site Map

Who We AreWhat We EelieveWhat We Do

Terms of UsePrivacy Notice

2025 by iamachristian.org,Inc All rights reserved.

Home
Gospel
Question
Blog
Help