Salmo 143 - Tagalog Contemporary Bible(ASD)

Salmo 143Awit na isinulat ni David.

1 Panginoon, dinggin nʼyo ang aking panalangin.

Dinggin po ninyo ang aking pagsusumamo.

Tulungan po ninyo ako dahil kayo ay matuwid at tapat.

2Huwag nʼyong hatulan ang inyong lingkod,

dahil walang sinumang matuwid sa inyong harapan.

3Tinugis ako ng aking mga kaaway.

Tinalo ako at inilagay sa madilim na bilangguan;

tulad ako ng isang taong matagal nang patay.

4Kaya nawalan na ako ng pag-asa,

at punong-puno ng takot ang puso ko.

5Naalala ko ang inyong mga ginawa noong una;

pinagbulay-bulayan ko ang lahat ng inyong ginawa.

6Itinaas ko ang aking mga kamay sa inyo

at nanalangin,

kinauuhawan ko kayo tulad ng tuyong lupa

na uhaw sa tubig.

7 Panginoon, agad nʼyo akong sagutin.

Nawawalan na ako ng pag-asa.

Huwag nʼyo akong layuan, baka akoʼy mamatay.

8Bawat umaga, ipaalala nʼyo sa akin

ang inyong pag-ibig,

dahil sa inyo ako nagtitiwala.

Ipakita nʼyo sa akin ang tamang daan

na dapat kong daanan,

dahil sa inyo ko ipinagkakatiwala ang aking buhay.

9 Panginoon, iligtas nʼyo ako

sa aking mga kaaway,

dahil sa inyo ako humihingi ng kalinga.

10Turuan nʼyo akong sundin ang inyong kalooban,

dahil kayo ang aking Diyos.

Patnubayan sana ako ng inyong butihing Espiritu

sa landas na walang kapahamakan.

11Iligtas nʼyo ako, Panginoon, para kayo ay maparangalan.

Dahil kayo ay matuwid, iligtas nʼyo ako sa kaguluhan.

12Alang-alang sa pag-ibig nʼyo sa akin na inyong lingkod,

lipulin nʼyo ang aking mga kaaway.

Blog
About Us
Message
Site Map

Who We AreWhat We EelieveWhat We Do

Terms of UsePrivacy Notice

2025 by iamachristian.org,Inc All rights reserved.

Home
Gospel
Question
Blog
Help