Salmo 117 - Tagalog Contemporary Bible(ASD)
Salmo 117
1Purihin nʼyo at parangalan ang Panginoon,
kayong lahat ng mamamayan
ng mga bansa!
2Dahil napakadakila ng pag-ibig sa atin
ng Panginoon,
at ang kanyang katapatan
ay walang hanggan.
Purihin ninyo ang Panginoon!