Salmo 110 - Tagalog Contemporary Bible(ASD)

Salmo 110Awit na isinulat ni David.

1Sinabi ng Panginoon sa aking Panginoon,

“Umupo ka rito sa aking kanan

hanggang sa gawin kong iyong apakan

ang iyong mga kalaban.”

2Palalawakin ng Panginoon ang iyong kaharian mula sa Zion,

at paghaharian mo ang iyong mga kaaway.

3Sa panahon ng iyong pakikidigma sa mga kaaway,

kusang-loob na tutulong sa iyo ang iyong mga tao.

Ang mga kabataang iyong nasasakupan

ay pupunta sa iyo doon

sa banal na burol katulad

ng hamog tuwing umaga.

4Ang Panginoon ay sumumpa

at hindi magbabago ang pasya niya,

na ikaw ay pari magpakailanman,

ayon sa pagkapari ni Melquisedec.

5Ang Panginoon ay kasama mo.

Parurusahan niya ang maraming hari

sa oras ng kanyang galit.

6Parurusahan niya ang mga bansa,

at marami ang kanyang papatayin.

Lilipulin niya ang mga namumuno sa buong mundo.

7Mahal na Hari, kayo ay iinom sa batis

na nasa tabi ng daan,

kaya muli kayong lalakas at magtatagumpay.

Blog
About Us
Message
Site Map

Who We AreWhat We EelieveWhat We Do

Terms of UsePrivacy Notice

2025 by iamachristian.org,Inc All rights reserved.

Home
Gospel
Question
Blog
Help