Salmo 54 - Tagalog Contemporary Bible(ASD)

Salmo 54Para sa direktor ng mga mang-aawit: Isang maskil ni David na sinasaliwan ng instrumentong may kuwerdas. Isinulat ito ni David pagkatapos isumbong ng mga taga-Zif kay Saul na nagtatago siya sa kanilang lugar.

1O Diyos, iligtas nʼyo ako

sa pamamagitan ng inyong kapangyarihan

at patunayan nʼyong wala akong kasalanan.

2O Diyos, ang panalangin koʼy dinggin.

Pakinggan nʼyo po ang kahilingan ko.

3Sapagkat sinasalakay ako

ng mga dayuhan

upang akoʼy patayin.

Malulupit sila at hindi kumikilala sa inyo.

4Kayo, O Diyos ang tumutulong sa akin.

Kayo, Panginoon ang aking maaasahan.

5Ibalik nʼyo sana sa aking mga kaaway

ang kanilang kasamaan.

O Diyos, sa inyong pagkamatapat,

lipulin nʼyo sila.

6Kusang-loob akong maghahandog

sa inyo Panginoon.

Pupurihin ko ang pangalan nʼyo

dahil napakabuti ninyo.

7Iniligtas nʼyo ako

sa lahat ng paghihirap,

at nakita kong natalo

ang aking mga kaaway.

Blog
About Us
Message
Site Map

Who We AreWhat We EelieveWhat We Do

Terms of UsePrivacy Notice

2025 by iamachristian.org,Inc All rights reserved.

Home
Gospel
Question
Blog
Help