Salmo 120 - Tagalog Contemporary Bible(ASD)

Salmo 120Awit na kinakanta ng mga umaakyat sa Jerusalem.

1Sa aking paghihirap akoʼy tumawag sa Panginoon,

at akoʼy kanyang sinagot.

2 Panginoon, iligtas nʼyo ako

sa mga mandaraya at sinungaling.

3Kayong mga sinungaling,

ano kaya ang parusa ng Diyos sa inyo?

4Parurusahan niya kayo

sa pamamagitan ng matatalim na pana ng mga kawal

at nagliliyab na baga.

5Nakakaawa ako dahil naninirahan akong kasama

ng mga taong kasinsama ng mga taga-Mesec

at mga taga-Kedar.

6Matagal na rin akong naninirahang

kasama ng mga walang hilig sa kapayapaan.

7Ang nais koʼy kapayapaan,

ngunit kapag akoʼy nagsalita tungkol sa kapayapaan,

ang gusto nilaʼy digmaan.

Blog
About Us
Message
Site Map

Who We AreWhat We EelieveWhat We Do

Terms of UsePrivacy Notice

2025 by iamachristian.org,Inc All rights reserved.

Home
Gospel
Question
Blog
Help