Salmo 53 - Tagalog Contemporary Bible(ASD)

Salmo 53Para sa direktor ng mga mang-aawit: Isa itong maskil ni David ayon sa  mahalat

.

1“Walang Diyos!”

Iyan ang sinasabi ng mga hangal

sa kanilang sarili.

Masasama sila at kasuklam-suklam

ang kanilang mga gawa.

Ni isa ay walang gumagawa ng mabuti.

2Mula sa langit, tinitingnan ng Diyos

ang lahat ng tao,

kung may nakakaunawa ng katotohanan

at naghahanap sa kanya.

3Ngunit ang lahat ay naligaw ng landas

at pare-parehong nabulok ang pagkatao.

Wala kahit isa man ang gumagawa ng mabuti.

4Kailan kaya matututo

ang masasamang tao?

Sinasamantala nila

ang aking mga kababayan

para sa kanilang pansariling kapakanan.

At hindi sila nananalangin sa Diyos.

5Ngunit manginginig sila sa takot,

kahit sa mga bagay na hindi dapat katakutan.

Sapagkat ikakalat ng Diyos

ang mga buto ng mga sumasalakay sa inyo.

Malalagay sila sa kahihiyan,

dahil itinakwil sila ng Panginoon.

6Sanaʼy dumating na ang Tagapagligtas

ng Israel mula sa Zion!

Magsasaya ang mga Israelita,

ang mga mamamayan ng Diyos,

kapag naibalik na niya

ang kanilang kasaganaan.

Blog
About Us
Message
Site Map

Who We AreWhat We EelieveWhat We Do

Terms of UsePrivacy Notice

2025 by iamachristian.org,Inc All rights reserved.

Home
Gospel
Question
Blog
Help