Salmo 93 - Tagalog Contemporary Bible(ASD)

Salmo 93

1Kayo ay hari, Panginoon;

nadadamitan ng karangalan

at kapangyarihan.

Matatag ninyong itinayo ang mundo

kaya hindi ito matitinag.

2Ang inyong trono ay naitatag na

simula pa noong una,

naroon na kayo noon pa man.

3 Panginoon, umuugong ang dagat

at nagngangalit ang mga alon.

4Ngunit Panginoong nasa langit,

higit kayong makapangyarihan

kaysa sa mga nagngangalit na alon.

5Mapagkakatiwalaan ang inyong mga utos Panginoon,

at ang inyong Temploʼy nararapat lamang

na ituring na banal magpakailanman.

Blog
About Us
Message
Site Map

Who We AreWhat We EelieveWhat We Do

Terms of UsePrivacy Notice

2025 by iamachristian.org,Inc All rights reserved.

Home
Gospel
Question
Blog
Help