Salmo 43 - Tagalog Contemporary Bible(ASD)

Salmo 43

1O Diyos, patunayan po ninyong

akoʼy walang kasalanan,

at akoʼy inyong ipagtanggol

sa mga hindi matuwid.

Iligtas nʼyo ako sa mga mandaraya

at sa mga masasama.

2Kayo ang Diyos ang aking tanggulan,

bakit nʼyo ako itinakwil?

Bakit kailangan pang magdusa ako

sa pang-aapi ng aking mga kaaway?

3Paliwanagan nʼyo ako at turuan

ng inyong katotohanan,

upang akoʼy magabayan pabalik

sa inyong Templo sa banal na bundok.

4Nang sa gayoʼy makalapit ako

sa inyong altar, O Diyos,

na nagbibigay galak sa akin.

At sa pamamagitan ng pagtugtog ng alpa

ay pupurihin ko kayo, O aking Diyos.

5Bakit nga ba ako nalulungkot at nababagabag?

Dapat magtiwala ako sa inyo.

Pupurihin ko kayong muli,

aking Diyos at Tagapagligtas!

Blog
About Us
Message
Site Map

Who We AreWhat We EelieveWhat We Do

Terms of UsePrivacy Notice

2025 by iamachristian.org,Inc All rights reserved.

Home
Gospel
Question
Blog
Help