Salmo 70 - Tagalog Contemporary Bible(ASD)

Salmo 70Para sa direktor ng mga mang-aawit: Awit na isinulat ni David na humihingi ng tulong sa Diyos.(Salmo 40:13‑17)

1 Panginoong Diyos,

iligtas nʼyo ako at kaagad na tulungan.

2Mapahiya sana at malito

ang mga nagnanais na mamatay ako.

Magsitakas sana na hiyang-hiya

ang mga nagnanais na akoʼy mapahamak.

3Mapaatras sana sa kahihiyan ang mga kumukutya sa akin.

4Ngunit ang mga lumalapit sa inyo

ay magalak sana at magsaya.

Ang lahat ng naghahangad

ng inyong pagliligtas

ay lagi sanang magsabi,

“Dakila ka, o Diyos!”

5Ngunit ako, akoʼy dukha

at nangangailangan.

O Diyos, agad po ninyo akong lapitan!

Kayo ang tumutulong at nagliligtas sa akin.

Panginoon, agad nʼyo po akong tulungan.

Blog
About Us
Message
Site Map

Who We AreWhat We EelieveWhat We Do

Terms of UsePrivacy Notice

2025 by iamachristian.org,Inc All rights reserved.

Home
Gospel
Question
Blog
Help