Salmo 3 - Tagalog Contemporary Bible(ASD)

Salmo 3Awit na isinulat ni David nang takasan niya ang kanyang anak na si Absalom.

1 Panginoon, kay dami kong kaaway;

kay daming kumakalaban sa akin!

2“Hindi siya ililigtas ng Diyos.”

Iyan ang sinasabi ng karamihan tungkol sa akin.

3Ngunit kayo Panginoon ang aking kalasag.

Pinagtatagumpay ninyo ako,

at ibinabalik ang aking pag-asa.

4Tumawag ako sa inyo, Panginoon

at sinagot nʼyo ako

mula sa inyong banal na bundok.

5At dahil iniingatan nʼyo ako,

nakakatulog ako at nagigising pa.

6Hindi ako matatakot

kahit ilang libo pang kaaway

ang nakapalibot sa akin.

7Pumarito kayo, Panginoon!

Iligtas nʼyo ako, Diyos ko,

dahil noon ay inilagay nʼyo sa kahihiyan

ang lahat ng mga kaaway ko,

at inalis mo sa mga masamang tao

ang kanilang kakayahang saktan ako.

8Kayo, Panginoon, ang nagliligtas.

Kayo rin po ang nagpapala

sa inyong mga mamamayan.

Blog
About Us
Message
Site Map

Who We AreWhat We EelieveWhat We Do

Terms of UsePrivacy Notice

2025 by iamachristian.org,Inc All rights reserved.

Home
Gospel
Question
Blog
Help