Salmo 84 - Tagalog Contemporary Bible(ASD)

Salmo 84Para sa direktor ng mga mang-aawit: Awit na isinulat ng mga anak ni Kora na sinasaliwan ng instrumentong may kuwerdas.

1 Panginoon ng mga Hukbo,

kay ganda ng inyong Templo!

2Gustong-gusto kong pumunta roon!

Nananabik akong pumasok

sa inyong Templo, Panginoon.

Ang buong katauhan koʼy aawit

nang may kagalakan sa inyo,

O Diyos na buháy.

3 Panginoon ng mga Hukbo,

aking Hari at Diyos,

kahit ang mga ibon ay may pugad

malapit sa altar kung saan nila inilalagay

ang kanilang mga inakay.

4Mapalad ang mga taong nakatira

sa inyong Templo;

lagi silang umaawit ng mga papuri sa inyo.

5Mapalad ang mga taong tumanggap ng kalakasan

mula sa inyo

at nananabik na makapunta

sa inyong Templo.

6Habang binabaybay nila

ang lambak ng Baca,

iniisip nilang may mga bukal doon

at tila umulan dahil may tubig kahit saan.

7Lalo silang lumalakas habang lumalakad

hanggang ang bawat isa sa kanila

ay makarating

sa presensya ng Diyos doon sa Zion.

8O Panginoon, Diyos ng mga Hukbo,

pakinggan nʼyo ang aking panalangin,

O Diyos ni Jacob,

9Pagpalain nʼyo O Diyos,

ang tagapagtanggol namin,

ang hari na inyong pinili.

10Ang isang araw sa inyong Templo

ay higit na mabuti

kaysa sa isang libong araw

sa ibang lugar.

Mas nanaisin ko pang mamalagi sa bahay ng aking Diyos,

kaysa manirahan sa bahay ng masasama.

11Dahil kayo Panginoong Diyos

ay tulad ng araw na nagbibigay-liwanag sa amin

at pananggalang na nag-iingat sa amin.

Pinagpapala nʼyo rin kami

at pinararangalan

Hindi nʼyo ipinagkakait

ang mabubuting bagay

sa sinumang matuwid ang pamumuhay.

12O Panginoon ng mga Hukbo,

mapalad ang taong nagtitiwala sa inyo.

Blog
About Us
Message
Site Map

Who We AreWhat We EelieveWhat We Do

Terms of UsePrivacy Notice

2025 by iamachristian.org,Inc All rights reserved.

Home
Gospel
Question
Blog
Help