Salmo 150 - Tagalog Contemporary Bible(ASD)

Salmo 150

1Purihin ang Panginoon!

Purihin ninyo ang Diyos sa kanyang templo.

Purihin siya sa langit,

ang kanyang matibay na tirahan.

2Purihin siya dahil

sa kanyang mga dakilang mga gawa.

Purihin siya dahil sa kanyang

kapangyarihang walang kapantay.

3Purihin siya sa tunog ng mga trumpeta!

Purihin siya sa saliw ng mga alpa at lira!

4Purihin siya sa tugtog ng mga tamburin

at sumayaw.

Purihin siya sa tugtog

ng mga instrumentong

may kuwerdas at mga plauta.

5Purihin siya sa matutunog

na mga pompyang.

Purihin siya sa mga taginting nito.

6Ang lahat ng may buhay

ay magpuri sa Panginoon.

Purihin ang Panginoon!

Blog
About Us
Message
Site Map

Who We AreWhat We EelieveWhat We Do

Terms of UsePrivacy Notice

2025 by iamachristian.org,Inc All rights reserved.

Home
Gospel
Question
Blog
Help