Salmo 137 - Tagalog Contemporary Bible(ASD)

Salmo 137

1Nang maalala namin ang Zion,

umupo kami sa pampang ng mga ilog ng Babilonia at umiyak.

2Isinabit na lang namin ang aming mga alpa

sa mga sanga ng kahoy.

3Pinaaawit kami ng mga bumihag sa amin.

Inuutusan nila kaming sila ay aliwin.

Ang sabi nila, “Awitan ninyo kami ng mga awit

tungkol sa Zion!”

4Ngunit paano kami makakaawit ng awit ng Panginoon

sa lupain ng mga bumihag sa amin?

5Sanaʼy hindi na gumalaw ang kanan kong kamay

kung kalilimutan ko ang Jerusalem!

6Sanaʼy maging pipi ako kung hindi ko aalalahanin

at ituturing na aking kaligayahan ang Jerusalem.

7 Panginoon, alalahanin nʼyo ang ginawa ng mga taga-Edom

nang lupigin ng Babilonia ang Jerusalem.

Sinabi nila,

“Sirain ninyo ito at wasakin nang lubos!”

8Kayong mga taga-Babilonia, kayoʼy wawasakin!

Mapalad ang mga taong lilipol sa inyo

gaya ng ginawa ninyong paglipol sa amin.

9Mapalad silang kukuha ng inyong mga sanggol,

at ihahampas sa mga bato.

Blog
About Us
Message
Site Map

Who We AreWhat We EelieveWhat We Do

Terms of UsePrivacy Notice

2025 by iamachristian.org,Inc All rights reserved.

Home
Gospel
Question
Blog
Help