Salmo 112 - Tagalog Contemporary Bible(ASD)

Salmo 112

1Purihin ang Panginoon!

Mapalad ang taong may takot sa Panginoon

at malugod na sumusunod sa kanyang mga utos.

2Ang mga anak niya ay magiging matagumpay,

dahil ang angkan ng mga namumuhay

nang matuwid ay pagpapalain.

3Yayaman ang kanyang sambahayan,

at ang kanyang kabutihan ay maaalala magpakailanman.

4Kahit sa kadiliman, taglay pa rin

ang liwanag ng taong

namumuhay nang matuwid,

at puno ng kabutihan, kahabagan at katuwiran.

5Pagpapalain ang taong mapagbigay at nagpapahiram,

at hindi nandaraya sa kanyang hanapbuhay.

6Tiyak na magiging matatag

ang kanyang kalagayan

at hindi siya makakalimutan magpakailanman.

7Hindi siya matatakot sa masamang balita,

dahil matatag siya at buong pusong

nagtitiwala sa Panginoon.

8Hindi siya matatakot o maguguluhan,

dahil alam niyang sa bandang huliʼy

makikita niya ang tagumpay laban sa kanyang mga kalaban.

9Nagbibigay siya sa mga dukha,

at ang kanyang kabutihan

ay maaalala magpakailanman.

Ang kanyang kakayahan

ay lalo pang dadagdagan ng Diyos

upang siyaʼy maparangalan.

10Makikita ito ng mga taong masama

at magngangalit ang kanilang mga ngipin sa galit,

at matutunaw sila dahil sa kahihiyan.

Hindi magtatagumpay ang naisin ng taong masama.

Blog
About Us
Message
Site Map

Who We AreWhat We EelieveWhat We Do

Terms of UsePrivacy Notice

2025 by iamachristian.org,Inc All rights reserved.

Home
Gospel
Question
Blog
Help