Job 26 - Tagalog Contemporary Bible(ASD)

Sumagot si Job

1Sumagot si Job,

2“Ang akala mo baʼy natulungan mo

ang walang kakayahan at nailigtas ang mahihina?

3Ang akala mo baʼy napayuhan mo

ang kapos sa karunungan

sa pamamagitan ng iyong karunungan?

4Saan ba nanggaling

ang mga sinasabi mong iyan?

Sinong espiritu ang nagturo sa iyo

na sabihin iyan?

5“Nanginginig sa takot ang mga patay

sa kinalalagyan nila sa ilalim ng tubig.

6Lantad sa paningin ng Diyos

ang lugar ng mga patay.

Hindi maitatago ang lugar ng kapahamakan.

7Inilatag ng Diyos ang kalawakan sa hilaga

at ibinitin ang mundo sa kawalan.

8Ibinabalot niya ang ulan

sa makakapal na ulap,

ngunit hindi ito napupunit

gaano man kabigat.

9Tinatakpan niya ng makapal na ulap

ang bilog na buwan.

10Nilagyan niya ng hangganan

ang langit at dagat

na parang hangganan din

ng liwanag at dilim.

11Sa pagsaway niya

ay nayayanig ang mga haligi ng langit.

12Sa kanyang kapangyarihan

ay pinaaalon niya ang dagat;

sa kanyang karunungan

ay tinalo niya si Rahab.

13Sa pamamagitan ng pag-ihip niya

ay umaaliwalas ang langit,

at sa kanyang kapangyarihan

pinatay niya ang gumagapang na ahas.

14Mga simpleng bagay lang ito para sa kanya.

Parang isang bulong lang

na ating napakinggan.

Sino ngayon ang makakaunawa

sa kapangyarihan ng Diyos?”

Blog
About Us
Message
Site Map

Who We AreWhat We EelieveWhat We Do

Terms of UsePrivacy Notice

2025 by iamachristian.org,Inc All rights reserved.

Home
Gospel
Question
Blog
Help