Salmo 123 - Tagalog Contemporary Bible(ASD)

Salmo 123Awit na kinakanta ng mga umaakyat sa Jerusalem.

1 Panginoon, dumadalangin ako sa inyo,

sa inyo na nakaupo sa inyong trono sa langit.

2Kung paanong ang alipin

ay naghihintay sa ibibigay ng kanyang amo,

at ang babaeng alipin sa kanyang among babae,

gayundin naman, naghihintay kami sa tulong at habag ng Panginoon naming Diyos.

3Maawa kayo sa amin Panginoon,

dahil labis na ang panghahamak sa amin.

4Labis-labis na ang pangungutya sa amin

ng mga taong hambog at mapang-api.

Blog
About Us
Message
Site Map

Who We AreWhat We EelieveWhat We Do

Terms of UsePrivacy Notice

2025 by iamachristian.org,Inc All rights reserved.

Home
Gospel
Question
Blog
Help