Leviticus 12 - Tagalog Contemporary Bible(ASD)

Seremonya ng Paglilinis ng Babaeng Kapapanganak

1Sinabi ng Panginoon kay Moises,

2“Sabihin mo sa mga Israelita: ‘Kung ang isang babae ay nanganak ng lalaki, siyaʼy ituturing na marumi sa loob ng pitong araw, tulad nang panahong siya ay may buwanang dalaw.

3Sa ikawalong araw, tutuliin ang kanyang anak.

4Dahil sa siyaʼy dinudugo pa, maghihintay pa siya hanggang lumipas ang tatlumpuʼt tatlong araw bago siya ituring na malinis dahil sa dugo ng panganganak. Hindi siya maaaring humipo ng kahit anong bagay na sagrado at hindi siya maaaring pumunta sa santuwaryo hanggang sa matapos ang kanyang paglilinis.

5Kung babae ang anak niya, ituturing siyang marumi sa loob ng labing-apat na araw, tulad nang panahong siya ay siyaʼy may buwanang dalaw. Maghihintay pa siya ng 66 na araw bago siya ituring na malinis mula sa dugo ng panganganak.

6“ ‘Kapag tapos na ang mga araw ng kanyang paglilinis para sa anak na lalaki o babae, magdadala siya sa pari ng isang tupang may isang taóng gulang bilang handog na sinusunog at isang inakay na kalapati o batu-bato bilang handog para sa kasalanan; dadalhin niya ito sa may pintuan ng Toldang Tipanan.

7-8Ihahandog ito ng pari sa Panginoon para maalis ang kanyang karumihan dahil sa kanyang pagdurugo sa panganganak at magiging malinis siya.

“ ‘Kung hindi niya kayang maghandog ng tupa, maghahandog siya ng dalawang kalapati o dalawang ibon na batu-bato. Ang isa ay bilang handog na sinusunog at ang isa ay bilang handog para sa kasalanan. Sa pamamagitan ng gagawing ito ng pari, maaalis ang karumihan niya at ituturing na siyang malinis. Ito ang mga tuntunin tungkol sa babaeng nanganak.’ ”

Blog
About Us
Message
Site Map

Who We AreWhat We EelieveWhat We Do

Terms of UsePrivacy Notice

2025 by iamachristian.org,Inc All rights reserved.

Home
Gospel
Question
Blog
Help