Salmo 67 - Tagalog Contemporary Bible(ASD)

Salmo 67Para sa direktor ng mga mang-aawit: Isang awit na ginagamitan ng instrumentong may kuwerdas.

1O Diyos, kaawaan nʼyo kami at pagpalain.

Ipakita nʼyo sa amin ang inyong kabutihan,

2upang malaman ng lahat ng bansa

ang inyong mga pamamaraan

at pagliligtas.

3Purihin ka nawa ng lahat ng tao, O Diyos.

4Magalak sana ang lahat ng tao at umawit ng papuri sa inyo,

dahil sa makatarungan nʼyong paghatol

at pagpatnubay sa lahat ng bansa.

5O Diyos, purihin sana kayo ng lahat ng bansa.

6-7Umani nawa ng sagana ang mga lupain.

Nawaʼy pagpalain nʼyo kami, O Diyos, na aming Diyos.

Magkaroon sana ng takot sa inyo

ang lahat ng tao sa buong mundo.

Blog
About Us
Message
Site Map

Who We AreWhat We EelieveWhat We Do

Terms of UsePrivacy Notice

2025 by iamachristian.org,Inc All rights reserved.

Home
Gospel
Question
Blog
Help