Salmo 124 - Tagalog Contemporary Bible(ASD)

Salmo 124Awit na isinulat ni David para sa mga umaakyat sa Jerusalem upang sumamba sa Panginoon.

1Kung ang Panginoon ay hindi pumanig sa atin,

ano kaya ang nangyari?

Sumagot kayo mga taga-Israel!

2Kung ang Panginoon ay hindi pumanig sa atin

noong sinalakay tayo ng ating mga kaaway,

3marahil ay pinatay na nila tayo,

dahil sa matinding galit nila sa atin;

4-5para siguro silang bahang tumangay sa atin

o malakas na agos na lumunod sa atin.

6Purihin ang Panginoon,

dahil hindi niya pinayagang lapain tayo

ng ating mga kaaway.

7Nakatakas tayo,

katulad ng ibong nakawala

sa nasirang bitag.

8Ang tulong natin ay nagmula sa Panginoon,

na lumikha ng langit at lupa.

Blog
About Us
Message
Site Map

Who We AreWhat We EelieveWhat We Do

Terms of UsePrivacy Notice

2025 by iamachristian.org,Inc All rights reserved.

Home
Gospel
Question
Blog
Help