Joel 3 - Tagalog Contemporary Bible(ASD)

Hahatulan ang mga Bansa

1“Sa panahong iyon

na ibabalik ko

ang kasaganaan

ng Juda at Jerusalem,

2titipunin ko ang mga bansa

at dadalhin ko sila

sa Lambak ni Jehoshafat.

Doon ko sila hahatulan

dahil sa kanilang ginawa

sa mga Israelita

na aking mamamayan na pag-aari ko.

Ikinalat nila ang mga Israelita

sa ibaʼt ibang bansa

at pinaghati-hatian ang aking lupain.

3Nagpalabunutan sila

upang paghati-hatian

ang aking mga mamamayan,

at ipinagbili nila bilang alipin

ang mga batang lalaki at babae,

upang ibili ng alak at ibayad

sa babaeng bayaran.

4“Kayong mga taga-Tiro, taga-Sidon, at ang lahat ng lugar ng Filistia, ano ba itong ginagawa ninyo laban sa akin? Ginagantihan ba ninyo ako sa mga bagay na aking ginawa? Kung ganoon, gagantihan ko agad kayo sa inyong ginagawa.

5Sapagkat kinuha ninyo ang aking mga ginto at pilak at iba pang mamahaling bagay at dinala ninyo ito doon sa inyong mga templo.

6Ipinagbili ninyo sa mga Griyego ang mga mamamayan ng Juda at Jerusalem bilang mga alipin, upang mailayo ninyo sila sa sarili nilang bayan.

7“Ngunit tutulungan ko silang makaalis sa mga bayang pinagbilhan ninyo sa kanila, at gagawin ko sa inyo ang inyong ginawa sa kanila.

8Ipagbibili ko ang inyong mga anak sa mga taga-Juda, at ipagbibili naman nila ang mga ito sa mga taga-Sabea na nakatira sa malayong lugar. Mangyayari nga ito, dahil ako, ang Panginoon, ang nagsasabi nito.”

9“Ipahayag mo ito sa mga bansa:

Humanda kayo sa pakikipagdigma!

Tawagin ninyo ang mga sundalo

upang sumalakay.

10Gawin ninyong mga espada

ang sudsod ng inyong mga araro

at gawin ninyong mga sibat

ang inyong mga panggapas.

Sasabihin ng mahina,

‘Ako ay malakas.’

11Pumarito kayo, lahat kayong

mga bansang nasa paligid,

at magtipon kayo doon

sa Lambak ni Jehoshafat.

“Panginoon, pasulungin ninyo

ang inyong mga mandirigma!

12“Udyukin ang mga bansa

na pumunta sa Lambak

ni Jehoshafat.

Doon, ako, ang Panginoon ay uupo

upang silaʼy hatulan.

13Para silang mga aanihin

na kailangan nang gapasin

dahil hinog na,

o parang ubas na kailangan

nang pisain

dahil puno na

ng ubas ang pisaan.

Ubod sila ng sama;

ang kanilang kasalanan

ay parang alak

na umaapaw sa sisidlan nito.”

14Napakaraming tao ang naroon

sa Lambak ng Paghatol,

dahil malapit nang dumating

ang araw ng paghatol

ng Panginoon.

15Magdidilim ang araw

at ang buwan,

at hindi na magliliwanag

ang mga bituin.

16Aatungal na parang leon

ang Panginoon mula sa Zion;

dadagundong ang kanyang tinig

mula sa Jerusalem.

Kaya mayayanig a

ng lupa at langit.

Ngunit ang Panginoon

ang matibay na kanlungan

para sa mga Israelita

na kanyang mamamayan.

Pagpapala para sa mga Mamamayan ng Diyos

17“Malalaman ninyong

mga taga-Juda na ako,

ang Panginoon

na inyong Diyos,

ay nananahan sa Zion,

ang aking banal na bundok.

Magiging banal muli ang Jerusalem;

hindi na ito muling lulusubin

ng ibang bansa.

18“Sa panahong iyon,

pagpapalain ko kayo.

Magiging sagana

ang inyong bagong alak

na mula sa maraming ubas

sa mga bundok.

Magiging sagana rin ang inyong gatas

mula sa maraming baka

at kambing

na nanginginain sa mga burol.

At hindi na matutuyuan

ang inyong mga sapa at ilog.

At may bukal mula

sa templo ng Panginoon

na dadaloy sa lambak

na may mga punong akasya.

19Ang Ehipto ay magiging

lugar na tiwangwang

at ang Edom ay magiging ilang,

dahil pinagmalupitan nila

ang mga taga-Juda;

pinatay nila ang mga taong

walang kasalanan.

20Ngunit ang Juda at ang Jerusalem

ay titirhan magpakailanman.

21Hahayaan ko na lamang bang dumanak

ang inosenteng dugo

at hindi ako maghihiganti?

Hindi ako papayag!”

Nananahan ang  Panginoon sa Zion.

Blog
About Us
Message
Site Map

Who We AreWhat We EelieveWhat We Do

Terms of UsePrivacy Notice

2025 by iamachristian.org,Inc All rights reserved.

Home
Gospel
Question
Blog
Help