Salmo 29 - Tagalog Contemporary Bible(ASD)

Salmo 29Awit na isinulat ni David.

1Purihin ang Panginoon, kayong mga nilalang sa kalangitan.

Purihin ang Panginoon sa kanyang kadakilaan at kapangyarihan.

2Papurihan ang Panginoon ng mga papuring nararapat sa kanyang pangalan.

Sambahin ninyo siya sa kanyang banal na presensya.

3Ang tinig ng Panginoong Diyos

na makapangyarihan ay dumadagundong

na parang kulog sa ibabaw ng malalakas na alon ng karagatan.

4Ang tinig ng Panginoon

ay makapangyarihan at kagalang-galang.

5Ang tinig ng Panginoon ay makakabali

at makakapagpira-piraso ng pinakamatibay

na mga puno ng sedro sa Lebanon.

6Niyayanig ng tinig ng Panginoon ang mga bundok sa Lebanon

at ang bundok ng Hermon,

na parang mailap na baka na tumatalon-talon.

7Ang tinig ng Panginoon ang nagpapakidlat.

8Ang tinig din ng Panginoon

ang nagpapayanig sa Disyerto ng Kades.

9Sa tinig ng Panginoon, napapagalaw ang mga puno ng ensina,

at nalalagas ang mga dahon sa kagubatan.

At ang lahat ng nasa Templo

ay sumisigaw,

“Ang Diyos ay makapangyarihan!”

10Ang Panginoon ang may kapangyarihan sa mga baha.

Maghahari siya magpakailanman.

11Ang Panginoon ang nagbibigay

ng kalakasan sa kanyang mga mamamayan,

at pinagpapala niya sila ng mabuting kalagayan.

Blog
About Us
Message
Site Map

Who We AreWhat We EelieveWhat We Do

Terms of UsePrivacy Notice

2025 by iamachristian.org,Inc All rights reserved.

Home
Gospel
Question
Blog
Help