Salmo 114 - Tagalog Contemporary Bible(ASD)

Salmo 114

1Nakatira noon ang mga taga-Israel

na lahi ni Jacob sa Ehipto,

na kung saan iba ang wika ng mga tao.

2Nang papalabas na sila sa Ehipto,

ginawa ng Diyos na banal na lugar ang Juda,

at ang Israel ay kanyang pinamunuan.

3Ang Dagat na Pula ay nahawi

at ang Ilog Jordan ay tumigil sa pag-agos.

4Nayanig ang mga bundok at burol,

na parang mga lumulundag na kambing at mga tupa.

5Bakit nahawi ang Dagat na Pula,

at tumigil sa kanyang pag-agos ang Ilog Jordan?

6Bakit nayayanig ang mga bundok at mga burol,

na parang lumulundag na mga kambing at tupa?

7Nayayanig ang mundo

sa presensya ng Panginoong Diyos ni Jacob,

8na siyang gumawa sa matigas na bato

upang maging imbakan ng tubig

at naging bukal na umaagos.

Blog
About Us
Message
Site Map

Who We AreWhat We EelieveWhat We Do

Terms of UsePrivacy Notice

2025 by iamachristian.org,Inc All rights reserved.

Home
Gospel
Question
Blog
Help