Salmo 83 - Tagalog Contemporary Bible(ASD)

Salmo 83Awit na isinulat ni Asaf.

1O Diyos, huwag po sana kayong manahimik.

Huwag po ninyong takpan

ang inyong tainga.

Kumilos po kayo.

2Tingnan ang inyong mga kaaway,

maingay silang sumasalakay

at ipinagyayabang na mananalo sila.

3Nagbabalak sila ng masama

laban sa inyong mga mamamayan

na inyong kinakalinga.

4Sinabi nila, “Halikayo,

wasakin natin ang bansang Israel

upang makalimutan na siya magpakailanman.”

5At nagkasundo sila sa masamang plano nila.

Gumawa sila ng kasunduan laban sa inyo.

6Sila ay mga taga-Edom, mga Ismaelita,

mga taga-Moab, mga Hagreo,

7mga taga-Gebal, Amonita, taga-Amalek,

mga taga-Filistia at mga taga-Tiro.

8Kumampi rin sa kanila ang Asiria,

isang bansang malakas

na kakampi ng lahi ni Lot.

9Talunin nʼyo sila Panginoon

katulad ng ginawa nʼyo sa mga Midianita

at kina Sisera at Jabin

doon sa Lambak ng Kison.

10Namatay sila sa Endor

at ang mga bangkay nilaʼy nabulok

at naging pataba sa lupa.

11Patayin nʼyo ang mga pinuno nila

katulad ng ginawa ninyo kina Oreb

at Zeeb at kina Zeba at Zalmuna.

12Sinabi nila, “Agawin natin

ang lupain ng Diyos.”

13O Diyos ko, ikalat nʼyo sila

na parang alikabok o ipa

na nililipad ng hangin.

14-15Tulad ng apoy na tumutupok

sa mga puno sa kagubatan

at kabundukan,

habulin nʼyo sila ng inyong bagyo

at takutin ng malalakas na hangin.

16Hiyain nʼyo sila, Panginoon,

hanggang sa matuto silang lumapit sa inyo.

17Sana nga ay mapahiya

at matakot sila habambuhay.

Mamatay sana sila sa kahihiyan.

18Para malaman nilang kayo, Panginoon,

ang tanging Kataas-taasang Diyos

sa buong mundo.

Blog
About Us
Message
Site Map

Who We AreWhat We EelieveWhat We Do

Terms of UsePrivacy Notice

2025 by iamachristian.org,Inc All rights reserved.

Home
Gospel
Question
Blog
Help