Salmo 146 - Tagalog Contemporary Bible(ASD)

Salmo 146

1Purihin ang Panginoon!

Karapat-dapat na purihin ang Panginoon.

2Buong buhay akong magpupuri sa Panginoon.

Aawitan ko ang aking Diyos

ng mga papuri habang akoʼy nabubuhay.

3Huwag kayong magtiwala

sa mga makapangyarihang tao o kaninuman,

dahil silaʼy hindi makapagliligtas.

4Kapag silaʼy namatay, babalik sila sa lupa,

at ang kanilang mga binabalak

ay mawawalang lahat.

5Mapalad ang tao na ang tulong

ay nagmumula sa Diyos ni Jacob,

na ang kanyang pag-asa ay sa Panginoon,

na kanyang Diyos.

6ang lumikha ng langit at lupa,

ng dagat at ng lahat ng narito.

Mananatili siyang tapat magpakailanman.

7Binibigyan niya ng katarungan ang mga inaapi,

at binibigyan ng pagkain ang mga nagugutom.

Pinalalaya ng Panginoon

ang mga bilanggo.

8Pinagagaling niya ang mga bulag

upang makakita,

pinalalakas ang mga nanghihina,

at ang mga matuwid ay minamahal niya.

9Iniingatan niya ang mga dayuhan,

tinutulungan ang mga ulila at mga biyuda,

ngunit hinahadlangan niya

ang mga kagustuhan ng masasamâ.

10Mga taga-Zion, ang Panginoon

na inyong Diyos

ay maghahari magpakailanman.

Purihin ang Panginoon!

Blog
About Us
Message
Site Map

Who We AreWhat We EelieveWhat We Do

Terms of UsePrivacy Notice

2025 by iamachristian.org,Inc All rights reserved.

Home
Gospel
Question
Blog
Help