Salmo 148 - Tagalog Contemporary Bible(ASD)

Salmo 148

1Purihin ang Panginoon!

Purihin ninyo ang Panginoon,

kayong mga nasa langit.

2Purihin ninyo siya,

kayong lahat ng kanyang anghel na hukbo niya

sa langit.

3Purihin ninyo siya, araw, buwan

at nagniningning na mga bituin.

4Purihin ninyo siya, pinakamataas na langit

at tubig sa kalawakan.

5Lahat ng nilalang ay magpuri sa Panginoon!

Sa kanyang utos silang lahat ay nalikha.

6Inilagay niya sila sa kanilang kinalalagyan,

at mananatili roon magpakailanman,

ayon sa kanyang utos sa kanila.

7Purihin ang Panginoon,

kayong nasa mundo,

malalaking hayop sa karagatan,

at lahat ng nasa kailaliman ng dagat,

8mga kidlat at ulan na yelo, niyebe, mga ulap,

at malalakas na hangin na sumusunod

sa kanyang utos,

9mga bundok, mga burol,

mga punongkahoy na namumunga o hindi,

10lahat ng mga hayop, maamo o mailap,

mga hayop na gumagapang at lumilipad.

11Purihin ninyo ang Panginoon,

kayong mga hari, mga pinuno,

mga tagapamahala,

at lahat ng tao sa mundo,

12mga kabataan, matatanda at mga bata.

13Lahat ay magpuri sa Panginoon,

dahil siyaʼy dakila sa lahat,

at ang kanyang kapangyarihan

ay higit pa sa lahat ng nasa langit at lupa.

14Pinalalakas niya at pinararangalan

ang kanyang mga tapat na mamamayan,

ang Israel na kanyang pinakamamahal.

Purihin ang Panginoon!

Blog
About Us
Message
Site Map

Who We AreWhat We EelieveWhat We Do

Terms of UsePrivacy Notice

2025 by iamachristian.org,Inc All rights reserved.

Home
Gospel
Question
Blog
Help