Salmo 138 - Tagalog Contemporary Bible(ASD)

Salmo 138Awit na isinulat ni David.

1 Panginoon, magpapasalamat ako sa inyo nang buong puso.

Aawit ako ng mga papuri sa inyo sa harap ng mga diyos.

2Luluhod ako na nakaharap sa inyong templo at magpupuri sa inyo

dahil sa inyong pag-ibig at katapatan.

Sapagkat ipinakita nʼyo na kayo

at ang inyong mga salita ay dakila sa lahat.

3Nang humingi ako ng tulong,

akoʼy inyong sinagot.

Akoʼy binigyan ninyo ng lakas ng loob.

4Magpupuri sa inyo, Panginoon, ang lahat ng hari sa buong mundo,

dahil maririnig nila ang inyong mga salita.

5Silaʼy aawit tungkol sa inyong ginawa,

dahil dakila ang inyong kapangyarihan.

6 Panginoon, kahit kayoʼy dakila sa lahat,

nagmamalasakit kayo sa mga aba ang kalagayan.

At kahit nasa malayo ka

ay nakikilala mo ang lahat ng mga hambog.

7Kahit na sa buhay na itoʼy may mga kaguluhan,

ang buhay koʼy inyong iniingatan.

Pinarurusahan nʼyo ang aking mga kaaway.

Inililigtas nʼyo ako sa pamamagitan ng inyong kapangyarihan.

8Tutuparin nʼyo Panginoon ang inyong mga pangako sa akin.

Ang pag-ibig nʼyo ay walang hanggan.

Huwag nʼyong pabayaan ang gawa ng inyong kamay.

Blog
About Us
Message
Site Map

Who We AreWhat We EelieveWhat We Do

Terms of UsePrivacy Notice

2025 by iamachristian.org,Inc All rights reserved.

Home
Gospel
Question
Blog
Help