Salmo 128 - Tagalog Contemporary Bible(ASD)

Salmo 128Awit ng mga umaakyat sa Jerusalem upang sumamba sa Panginoon.

1Mapalad kayong may takot sa Panginoon,

na namumuhay ayon sa kanyang pamamaraan.

2Ang inyong pinaghirapan

ay magiging sapat sa inyong pangangailangan,

at kayoʼy magiging maunlad at maligaya.

3Ang inyong asawa ay magiging katulad ng ubasan

sa inyong tahanan, na sagana sa bunga,

at ang inyong mga anak na nakapaligid

sa inyong hapag-kainan

ay parang mga bagong tanim na olibo.

4Ganito pagpapalain ang sinumang

may takot sa Panginoon.

5Pagpalain sana kayo ng Panginoon

mula sa Zion.

Makita sana ninyong umuunlad ang Jerusalem

habang kayoʼy nabubuhay.

6Makita sana ninyo ang inyong mga apo.

Mapasaiyo nawa Israel ang kapayapaan!

Blog
About Us
Message
Site Map

Who We AreWhat We EelieveWhat We Do

Terms of UsePrivacy Notice

2025 by iamachristian.org,Inc All rights reserved.

Home
Gospel
Question
Blog
Help