Salmo 2 - Tagalog Contemporary Bible(ASD)

Salmo 2

1Bakit nagsasabwatan ang mga bansa

at ang mga taoʼy nagpaplano

nang walang patutunguhan?

2Ang mga hari ng mundoʼy

handa nang makipagdigma,

ang mga pinuno ay nagkaisa

laban sa Panginoon,

at laban sa kanyang Mesias.

3Sinabi nila,

“Lagutin natin ang kanilang mga kadena

Huwag na tayong pasakop kanila!”

4Ngunit siyang nakaupo sa kanyang trono sa langit

ay natatawa lang, at kumukutya sa kanila.

5Sa galit ng Diyos, silaʼy binigyang-babala,

at sa tindi ng kanyang poot silaʼy natatakot.

6Sinabi niya,

“Iniluklok ko na ang hinirang kong hari

sa kanyang trono sa Zion,

sa banal kong bundok.”

7Sinabi ng hari,

“Sasabihin ko ang sinabi

sa akin ng Panginoon:

‘Ikaw ang aking Anak, at ngayon,

ako na ang iyong Ama.

8Sa akiʼy hilingin mo ang mga bansa

sa buong mundo,

at ibibigay ko ito bilang mana mo.

9Pamumunuan mo sila,

at walang sasalungat sa iyong pamamahala.

Silaʼy magiging parang palayok

na iyong dudurugin.’ ”

10Kaya kayong mga hari at pinuno sa buong mundo,

unawain ninyo ang mga salitang ito

at pakinggan ang mga babala laban sa inyo.

11Paglingkuran ninyo ang Panginoon nang may takot,

at magalak kayo sa kanya.

12Magpasakop kayo sa hari na kanyang hinirang,

kung hindi ay baka magalit siya at kayoʼy ipahamak niya.

Mapalad ang mga nanganganlong sa Panginoon.

Blog
About Us
Message
Site Map

Who We AreWhat We EelieveWhat We Do

Terms of UsePrivacy Notice

2025 by iamachristian.org,Inc All rights reserved.

Home
Gospel
Question
Blog
Help