Salmo 14 - Tagalog Contemporary Bible(ASD)

Salmo 14Para sa direktor ng mga mang-aawit: Awit na isinulat ni David.(Salmo 53)

1“Walang Diyos!”

Iyan ang sinasabi ng hangal

sa kanilang sarili.

Masasama sila at kasuklam-suklam

ang kanilang mga gawa.

Ni isa sa kanila ay walang

gumagawa ng mabuti.

2Mula sa langit, tinitingnan ng Panginoon

ang lahat ng tao,

kung may nakakaunawa ng katotohanan

at naghahanap sa kanya.

3Ngunit ang lahat ay naligaw ng landas

at pare-parehong nabulok ang pagkatao.

Wala ni isa man ang gumagawa ng mabuti.

4Kailan kaya matututo ang masasamang tao?

Sinasamantala nila ang aking mga kababayan

para sa kanilang pansariling kapakanan.

At hindi sila nananalangin sa Panginoon.

5Ngunit darating ang araw

na manginginig sila sa takot,

dahil kakampihan ng Diyos ang mga matuwid.

6Sinisira ng masasamang tao

ang mga plano ng mga dukha,

ngunit ang Panginoon ang magiging kanlungan nila.

7Dumating na sana

ang Tagapagligtas ng Israel

mula sa Zion!

Magsasaya ang mga Israelita,

ang mga mamamayan ng Panginoon,

kapag naibalik na niya

ang kanilang kasaganaan.

Blog
About Us
Message
Site Map

Who We AreWhat We EelieveWhat We Do

Terms of UsePrivacy Notice

2025 by iamachristian.org,Inc All rights reserved.

Home
Gospel
Question
Blog
Help