Salmo 125 - Tagalog Contemporary Bible(ASD)

Salmo 125Awit ng mga umaakyat sa Jerusalem upang sumamba sa Panginoon.

1Ang mga nagtitiwala sa Panginoon

ay tulad ng Bundok ng Zion na hindi natitinag,

sa halip ay nananatili, magpakailanman.

2Kung paanong ang mga bundok

ay nakapaligid sa lungsod ng Jerusalem,

ang Panginoon ay nasa paligid din

ng kanyang mga mamamayan, magpakailanman.

3Ang masama ay hindi mananatiling namamahala

sa lupaing para sa mga matuwid,

dahil baka makagawa rin ng masama

ang mga matuwid.

4 Panginoon, ipakita ninyo ang inyong kabutihan

sa mga taong mabuti at namumuhay nang matuwid.

5Ngunit parusahan ninyo kasama ng masasama

ang inyong mamamayan na sumusunod

sa hindi wastong pamumuhay.

Mapasaiyo nawa, Israel, ang kapayapaan.

Blog
About Us
Message
Site Map

Who We AreWhat We EelieveWhat We Do

Terms of UsePrivacy Notice

2025 by iamachristian.org,Inc All rights reserved.

Home
Gospel
Question
Blog
Help